Sunday, October 30, 2005
Maybe I'm a little addicted
Maybe I just can't get out of this
Maybe it is just too soon to say
I've seen you blow right past my window
You flew away and I was left inside
Without a clue
But if you think that I am too stoned to write
Don't think twice
Free your mind
Don't let me down
We'll find a way to make it go away
We'll find a way to make it go away
I'll make it go away
I went ahead without direction
A form of semi-self-mutilation
Dragonfly collides with truth
Why can't you see me like I see you
Can't you feel me like I feel you
Can't you be with me tonight
i'm watching you at 8:13:00 PM
----------------
Thursday, October 27, 2005
grabe sa Pampanga!!!
super boredom to the nth level!
la pang internet shop...
dyos ko! it's good to be back
namiss ko computer ko... huhuhu
actually nung tues pa ko nakabalik ng Pilipinas este Maynila
syempre pagod pa ako kaya ngayon lang nag-update
saya magkacellphone ulit...
kamusta naman kasi ang halos buong sem na walang phone...
yan tuloy... picture dito...picture doon... hehe
kahapon eh b-day ng ate ko
take note! bati na kami hehe
kain naman kami sa Dencio's hehe
nung isang araw lang sa katabing Gery's ngayon naman sa Dencio's...hehe
syempre katakawan ko na naman...
katabi lang pala ng Dencio's ang ABS-CBN na katabi ng bahay ni Kuya...
syempre after kumain stopover muna sa bahay ni bro!
picture ulit dito... picture doon...
dami rin nagpapapic dun kaya hindi nakakahiya
ngayon naman...
galing ako ng SM...
saya-saya ko ngayon...
SHOPPING GALORE AKO!
BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH!!!!!!!!
I love shopping!!!!
syempre mapera ko ngayon (kanina pala!)
kasi naman... may budget akong P1,500 galing sa kung saan-saan...
tapos nung paalis na ako... windang ako sa magara kong tita...
bigyan daw ba ako ng dalawang libo!
YES!!! P2,000
syempre nahiya naman ako pero go! tanggap lang...
bait talaga ni tita!!!
so ayun...
kasama ko si Aiza and his father!
yes kasama tatay ni Aiza
batet?
secret!!!! hehe
bago magSM punta muna ng UP
kuha ng classcards
di nako nagulat sa grades kasi alam ko na...
nanlibre pa ako ng monay (ang cheap noh!)
afterwards shopping time na!
(sneeze!... excuse me... hehe)
so ayun... punta muna sa Cinderella
sale naman kasi palagi dun...
nakabili ako ng Buy 1 Take 1 shirt for P350...
take note sa tatak!
Playboy!!!
bwahahahahahahahaha
next stop... Surplus shop!!!
nakakita ako ng broen kurduroy pants for P350 again
edi nakamura ulit ako!!!
akala ko marami akong mabibili pero hindi!
next naman eh para sa semi-formal attire ko sa debut ni Resh bukas...
tinging dito...tingin doon!!!
hirap maghanap ng mura
kaya naman....
pinatulan na ang mga medyo kamahalan...
nakabili ako sa Oxygen ng polo for P899
Ok na rin yun.... ganda naman ng polo eh
pwamis...
love ko na sya sa sobrang ganda... hehe
at para sa pants... nakahanap naman ako sa SM Dep Store
P599 siya... pero super bagay naman sa polo ko
at ayun...
P1,500 worth of outfit para sa debut!
k lang naman kasi sa Albergu's gaganapin!
pangit naman kasi kung chipipay clothes ang susuotin ko...
excited na ako for tomorrow
hehe
saya talaga ng feeling pag nag-shoshopping
so hangang dito na lang siguro
gagamitin na ni ate yung computer
so ciao na
i'm watching you at 8:48:00 PM
----------------
Friday, October 21, 2005
ill not be able to update my blog for about a week...
Ngayon na kami aalis papuntang pampanga w/ my family
sounds like fun vacation?
but no... boring dun eh...
plus don't like the people there (sige! mag-inarte)
pero k lang kasi.....
MAY PHONE NA AKO!!!!!!!!
well... not exactly akin
still have to wait for a month para maging akin...
di ba nga gagamitin pa ng tita ko habang nandito siya sa Philippines...
k lang naman n3230 no?
kung hindi la na ko magagawa
hehe... nabili na eh...
grabe busog ako kahapon?
habang nagpapafacial ang magkapatid (my mom and may balikbayan tita)
kain muna ang magpipinsan (including me) sa shakeys
kainis lang dahil di kami nasarapan
(yellow cab sure is better if not the best)
after nun eh di pa sila tapos...
so me and one of my cousin went to the nearby Starbucks
then we ordere fraps and wait...
so after nilang magpaganda... hehe
kain na ang buong family...
we went to Gerry's
grabe... it's been a long time
ang favorite resto ko ay hindi ko na nabibisita
at ayun so order kagad ng all-time faves
sisig...blue marlin steak...beef casserole...adobong kangkong
dami kong nakain!!!
siyempre katakawan...
then after nun punta ng sm...
dun na ko bumili ng phone...
btw... lahat ng gastusin eh sagot ng tita ko
GARA!!!!!!!
so yun na
see ya next week na siguro...
paalis na kami at masyado na kong pasaway hehe....
ciao!!!!!!!!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
hay...
can't stop this feeling...
you know
missing someone... (aiza? same feeling ba?)
missing all the time you were together
missing the kulitan...
i just wish...
wag!!!
bad ko talaga...
ang selfish ko...
wishing them to _______ just for me to be happy!
wag ganun...
ok...
so i just wish her to be happy kahit ako hindi...
that's better naman di ba...
magparaya =(
basta bahala na si Destiny (close?)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
i'm watching you at 8:49:00 AM
----------------
Tuesday, October 18, 2005
How You Life Your Life |
 You seem to be straight forward, but you keep a lot inside. You tend to avoid confrontation and stay away from sticky situations. You prefer a variety of friends and tend to change friends quickly. You tend to dream big, but you worry that your dreams aren't attainable. |
i'm watching you at 11:29:00 PM
----------------
Sunday, October 16, 2005
woaH!
tagal ko ring hindi nag post... hehe
AAAAAAHHHHHHHH!!!!!!!! bakasyon na....
tapos na ang kalbaryong Finals week hehe!!!
hay naku
kaso super boring naman ngayong bakasyon...
hay!!!
sakit ng mga paa ko ngayon...
well! induction namin sa grip kahapon...
ang weird ng induction... mala amazing race...
masaya kaso....
NAKAKAPAGOD!!!!!!!!!!
kamusta naman ang paglakad, pagjog at pagtakbo sa buong UP!!!
eto lang naman ang linibot namin (at nakaharness pa kami so mukha kaming tanga)...
from POWER UP gym (Tandang Sora)
nagjip at bumaba ng Central (New Era)
naglakad papuntang Oblation
Tapos Takbo papuntang Grand Stand
then Math Bldg
... playground sa may makulay na bldg ng Architecture
... sa Main Lib
... sa Gym
... Track Oval
... sa may Lagoon (di talga siya kasama... nagligaw lang hehe...)
... sa may CHK pool
... Balik sa UP Theater
... Tapos sa Chem Pav
... Tapos lakad sa Narra
... then sa Lagoon
... then balik sa Main Lib
... then sa Grandstand
... tapos sa sakayan ng tricycle sa likod ng Vinzons
... at last... nagtricycle pabalik ng Power Up...
OO!!! ganayan kalalayo ang tinakbo/linakad namin
take note... may mga tasks pang pinagawa sa min.
hmph.... halos hinika na ko kahapon
pero fun naman siya kahit papano hehe
pahabol lang...
sa POWER UP... nagclimb pa kami ng nakablindfold....
yes! nakablindfold...
pero in fairness.... mas madali siya hehe...
at ayun... kain after ng induction...
kainis lang kasi supposedly b-day party ng anak ng ate ko ngayon...
1st b-day ng pamangkin ko at sa Kenny R. pa ginanap
hindi ako nakapunta dahil sa induction na to....
nagtatampo yata ate ko sakin ngayon...
nagsorry na nga ako kaso nahihiya pa rin ako sa kanya...
kainis kasi nagsabay pa...
**************************************************
hay.....
medyo masaya na ko ngayon....
nakasama ko siya this past few days
masaya siya...
at mas lalong masaya ako...
masaya kaming magkasama...
hay...
sayang lang talaga...
maghihintay na lang siguro ako...
bahala na...
i'm watching you at 1:25:00 PM
----------------
Tuesday, October 04, 2005
Nasan ka na ba?
Matagal na kitang hinahanap...
Baka di ko na makayanan...
Baka hindi ko na matagalan ang matinding kalungkutang ito...
Nasan ka na ba?
Baliw na ba ako?
Oo...
Baliw na nga ako...
Kailan ka ba darating?
Kailan ko ba mararamdaman ang pagmamahal mo?
Matagal pa?
Bukas...
Ayoko...
Ayoko...
Sana ngayon na...
Baka mamatay na lang akong ganito...
Ayoko...
Ayokong mamatay ng nag-iisa...
Kailangan na kita ngayon...
Sana ngayon na...
Sana ngayon na...
Sana ngayon na...
******
Yan ang nagagawa ng isang paranoid
Sorry...
Can't help it...
******
i'm watching you at 1:44:00 PM
----------------
Monday, October 03, 2005
bwiset!!!
kainis kanina!!!
alam niyo kung baket!!!
kamusta naman ang pagpunta ng UP at nacancel ang dapat gawin
kasi may training ako ng archery
eh... meron kaming tournament this month
at hindi pa consistent ang shooting mo
so kailangan ko pa ng training
at ayun attack ako sa range at anong nangyari?
nakita ko ang aplikante naming si Miggy nag-iisa
at oo!!!
nacancel ang training kasi walang sir madrigal na dumating
at di lang yun....
di ako makaalis ng range dahil biglang bumuhos ang isang napakalakas na ulan...
at ayun...
nastranded kaming dalawa
asar!!!
after 48 years humina na ang ulan at aatake naman ako sa chem
kailangan ko kasi malaman yung standing ko sa chem 16
at buti naman eh 66 pts na lang ang kailangan ko sa finals...
nakaka-inggit yung mga exempted... :-(
nakita ko rin si Jayson dun
siya ay isang GRIP mem
at yun ang galing niya dahil exempted siya
buti pa siya,,,,
after nun diretso ko sa SM
eh di nasa dyip na ko
nakita ko naman si Pau...
siya naman ay orgmate ko sa VC
la lang....
so pagdating namin sa SM...
hiwlay na rin kami... dahil...
mag-aarcade pa ako
magdDMX muna ako...
at ayun sugod ako sa QUANTUM
bili ng 3 tokens (nakalimutan ko pa kunin sukli ko)
punta sa machine
ipinasok ang 3 tokens
nagsayaw...
at ayun
during ng 3rd song, medyo puro miss na ako
1st time ko pa lang kasi pinili yung song
pero....
aba may narinig ako...
may bumubulong sa kin
"wala na yan"
"tapos na yan"
aba asar to...
sino kaya to?
kaya pagtapos ng song... limungon ako sa likod...
langya!!!!!
si Zye lang pala... (VC orgmate)
aba... anong ginagawa ng mokong na to dito?...
so ayun tinapos ko na yung last song
so after nun dalawa na kam...
langya... syempre x2 lang speed ko at siya naman eh x3...
kamusta naman ako as a person...
basta yun... siya lang nakatapos...
S siya at F ako....
hmph!!!
gagaling din ako
ZYE! WATCH OUT!
hehe
so after nun alis na rin ako
eh si Zye umalis na rin with his/her friend :-)
so umuwi na ako
at dun natapos ang araw ko...
ciao
(buti na lang huminto na ang ulan... ang lungkot kasi..)
i'm watching you at 8:16:00 PM
----------------
Sunday, October 02, 2005
Hay naku!!!
it's sunday again
and yes!
still a boring sunday
unlike last sunday i was in bicol having fun
Kaninang morning (konyo!!!!)
hanggang ngayon wala akong ginawa kundi makinig ng musika
natapos ko buong album ni Vanessa Carlton at John Mayer
lahat na ng pwede kong patugtugin... pati MYMP
ayoko na ngang patugtugin MYMP
hello!!! magpapaka senti-mode na naman
eh di ko rin naman mapigilan
mag-isa lang sa room
walang ginagawa kundi mag-isip-isip ng mga bagay-bagay
hay naku!!!
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>..
wala lang...
dinadownload ko ngayon yung song ng Mojofly
yung Tumatakbo...
ang cute nung video
animated kasi siya ;-)
eh yung song????
maganda kaso sapul naman ako... huhuhuhu
*******************************************
Laging bigo; laging sawi-sa pagibig
Minamalas o kay sakit; may balat nga ba ako sa pwet
Mabuti pa ang tindera sa aming kanto
Nakakaingit tl ang sweet nila nang kanilang nobyo
*******************************************
oo... ako'y bigo sa pag-ibig
langya! unang linya pa lang...
OUCH!!!
hehe
malas nga lang ba ako?
oi! wala po kong balat sa pwet! ehehehe
*******************************************
Gusto ko lang; maranasan umibig tamaan ni kupido
Gusto ko lang maranasan; tumibok muli ang puso ko
*******************************************
naransan ko nang umibig
pero di ko pa naranasang ibigin ng totoo
kailan kaya?
ehem!!!
la lang :-)
********************************************
Tumatakbo ang oras naiiwan na ako ng panahon
Di na nagbago bawat araw pare-pareho
Parang kahapon
Tumatakbo ang oras.....
********************************************
ika nga ni Jonah
"you're so slow"
yan tuloy
anong nangyari?
eh di nabalewala
pasensya!!!
naiiwan na talaga ako ng panahon
*********************************************
May birthday cake ka nga
Ngunit wala naming kandila
May christmas tree na malupet;
Wala naman dekorasyon pansabit
**********************************************
la lang...
kulit ng lyrics
bwahahahahaha
***********************************************
Sadyang ganyan ang aking buhay
Walang kasing tamlay
Ayoko sanang tumandang- nagiisa
**********************************************
waaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!
check ka dyan
ANG TAMLAY NG BUHAY KO....
AT AYOKO RIN TUMANDANG NAG-IISA
waaaaaaaaaaa!!!!!!!!!
**********************************************
Tatangapin nalang ba ang mapait na tadhana
O kaya'y
Tatangapin nalang ba na ako'y
Sadyang hindi pinagpala
Tigilan na ang drama;
Punasan na ang luha
**********************************************
TAMA!!!!!
tigilan na ang drama
wlang mangyayari kung iiyak lang ng iiyak
humanda na kayo!!!
aariba na ako..
JOKE!!!!
bwahahahahaha
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>.....
yehey tapos na mag-download after golden years
pasensya
dial-up lang ako
yun na ang update for the day!!
ciao
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>.......
sana mahalin niya rin ako...
kahit may mahal na siyang iba
ang labo no...
bahala na
:-(
i'm watching you at 7:16:00 PM
----------------