Thursday, September 15, 2005
Ang hirap ng posisyon ko ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bigla na lang ako napasulat sa blog na to para lang mabawasan yung bigat na nararamdaman ko. Bigla ko na lang naisip yung problema kong malaki (refer to my 2nd post). Ayoko na mabuhay. Walang kwenta.
Sabi nila imposible daw magmahal ng dalawang tao. Imposible nga ba? Pero bakit ako? Nauna kong mahalin siya. Pero, may dumating na isa at sa di malamang dahilan may naramdaman ako para sa kanya. Mahal ko pa rin yung una pero naguluhan ako nang dumating yung isa pa. Ang hirap. Mali ang sinasabi nila. Posible ang magmahal ng dalawang tao. Patunay ang nararamdaman ko ngayon.
Pero, hindi lang basta pagmamahal sa dalawang tao ang problema ko. May kasama pa yan na mas malaki. Walang makapag-iisip na ganito ang mangyayari...
Ang gulo...
Oo, magulo.
Kahit ako ay naguguluhan.
Hindi tama to.
Pero bakit nangyayari.
Ayoko na...
Sa dinami-dami ng namamatay sa mundo, ba't hindi pa ako???
Sa dalawang taong tinutukoy ko, naiinis ako sa inyo. Bakit ko pa kayo nakilala? Ayokong masaktan. Sa tingin ng iba ay matapang ako at hindi madaling pa-iyakin pero hinde... Para lang akong bata na kinuhanan ng kendi at madaling umiiyak. Ganoon ako kahina... Ganoon ako ka-walang kwenta.
Sa nagbabasa nito...
maswerte ka...
Hindi itong katawan ko ang napunta sa iyo...
Wala kang problema na singlaki ng sa akin...
Kung sa tinggin niyo ay wala pa ito sa problema ng iba...
Nagkakamali ka...
Hindi mo ko kilala...
Isang mukhang nakatago sa maskara...
Isang mukhang kahabag-habag
Isang mukhang nadungisan ng buhay
Isang mukha......
*oo, ako ang gumawa nito... gusto ko lang may mapagbuhusan ng sama ng loob... ang drama ko talaga :(*
i'm watching you at 7:42:00 PM
----------------